Posts

Showing posts from April, 2022

Maraming salamat #VPLeniRobredo

Mahal kong bise presidente Nung nakamayan kita isang campaign mo at yung ilang segundong nagtama ang paningin natin bago umusad yung van, natameme ako. Hindi ako nakapagpasalamat. Kaya dito na lang.   Nung 2018, isang araw ng pahinga, linggo. May press con sa TV. Sinubukan kong maupo muna at makinig.  Ito yung kasagsagan ng extra judicial killings, mga atake sa mga aktibista, sa mga journalists at media, at sa mga babae. Yung panahon na bastos na bastos at baboy na baboy tayong mga babae. Pwede daw tayong reypin. Joke daw. Habang tumatagal, pabigat ng pabigat ang puso at pakiramdam ko sa bawat murang naririnig ko sa bibig ng presidente ng Pilipinas. Expression lang daw. Wala naman syang maayos na sinabi o di ko lang siguro naintindihan pero hindi ko makalimutan yung panlulumo sa bawat segundo na andun ako, nadadaig ng umaagos sa katawan kong halu-halong negatibong emosyon — galit, dismaya, lumpong damdamin, gutay-gutay na pagasa. Putang-ina mo! Puta ka! Putang ina ka! Puta! sa...