Maraming salamat #VPLeniRobredo
Mahal kong bise presidente
Nung nakamayan kita isang campaign mo at yung ilang segundong nagtama ang paningin natin bago umusad yung van, natameme ako. Hindi ako nakapagpasalamat. Kaya dito na lang.
Nung 2018, isang araw ng pahinga, linggo. May press con sa TV. Sinubukan kong maupo muna at makinig.
Ito yung kasagsagan ng extra judicial killings, mga atake sa mga aktibista, sa mga journalists at media, at sa mga babae. Yung panahon na bastos na bastos at baboy na baboy tayong mga babae. Pwede daw tayong reypin. Joke daw.
Habang tumatagal, pabigat ng pabigat ang puso at pakiramdam ko sa bawat murang naririnig ko sa bibig ng presidente ng Pilipinas. Expression lang daw.
Wala naman syang maayos na sinabi o di ko lang siguro naintindihan pero hindi ko makalimutan yung panlulumo sa bawat segundo na andun ako, nadadaig ng umaagos sa katawan kong halu-halong negatibong emosyon — galit, dismaya, lumpong damdamin, gutay-gutay na pagasa.
Putang-ina mo! Puta ka! Putang ina ka! Puta! sabi ng mga walo hanggang sampung taong gulang na mga batang naglalaro sa kalsada na medyo ikinagising ko mula sa aking emotional stupor.
Lalu akong nahapo. Akala ko naglalaro sila? Bakit sila nagmumurahan?
Parang galit lahat ng tao. Normal ang bangayan kesa magusap ng kalmado at maayos. Barilin agad! Suntukin! Sipain!
So crass, no class. “Walang ka-klas-klas” ika-nga.
Dahil kaya sa uri ng neighborhood namin? Kapitbahay namin, as in katabing bahay ang palengke. Sa upbringing kaya nung mga bata? 8 years old. Ang lulutong nang mag mura.
Anim na taon nang sobrang bigat ng puso ko.
Tapos sabi mo tatakbo ka.
Naalala ko ang pakiramdam nung nag kulay rosas ang feed ko. Syempre naiyak ako. May pagkakataon akong baguhin ung suma ng anim na taon kong pusong nakalugmok pa rin sa harap ng TV namin sa Cavite nuong 2018. Naiyak uli ako sa pagtindig ng Rivermaya dahil literal na “Liwanag ka sa dilim”. Medyo bumabangon na ako mula sa lusak na pinanggalingan ng puso ko.
Humahakot ka ng libo-libong mga supporters na sa talambuhay ko, is the most beautiful, well-intentioned series of campaign rallies that I have ever witnessed. Hindi dahil andun si Megastar, o kasi concert ni Rivermaya. Ikaw ang star of the show. Nakadalo ako sa isang pagtitipon nung unang umakyat ka sa Baguio. Ang saya, ang babait ng mga tao. At pag pinapanood ko sa social media, tagos sa screen ang pakiramdam ng mga rallies. All of us hopeful for change.
Ayokong mapunta ang pag-asang ito sa isang wala man lang apology o remorse kundi puro excuse sa panahon ng Martial Law kahit napatunayan na ng mundo na guilty ang pamilya nila, ay tumatakbo pa rin. And we can never ever, give anyone with that tendency, a chance to have the power to do that again. Bukod sa wala naman talaga syang kakayanang mamuno.
At ang akin ay hindi blind following. Dahil kung may sasabihin against you, i-re research ko at aalamin kung totoo. Hindi naman pag bubulag-bulagan yun. Ang pagbubulag-bulagan e yung, “Ah, basta. Respect my opinion.”
Armas mo ang wit, datos, maayos at matinong plataporma at ilang dekadang karanasan sa public service, local governance, law, economy at marami pang iba.
Lumalaban ka sa pamamagitan ng iyong talino, pagiging marangal, may integridad at prinsipyo, mapagpakumbaba, at taos pusong pagmamahal sa taumbayan. Pinukaw mo ang pagkakaisa, katapatan, galing at natitirang bait at kabaitan namin.
Maka-masa ka pero isa kang lider na maipagmamalaki sa tabi ng iba pang lider ng mga higanteng nasyon.
Namumuno ka sa OVP nang kalma at sa perspektibong “ano ang magagawa natin para mas mapaigi ang sitwasyon”, kaysa sa pananakot, poot at parusa. Pero alam mo naman to. Nilagay ko lang dito para sa mga nakikibasa ng sulat na ito na hindi pa alam na ganyan ka mamuno.
Natutuwa ako kasi katuwang mo ang mga anak mong kahanga-hanga at inspirasyon sa mga kabataan at ang sarap matunghayan ang relasyon ninyo. Sabi ko nga, siguro kasi Gen X ka.
Tumatakbo kang walang pera pero may stratehiya, powered by volunteerism na talaga namang nakamamangha. Ang mga supporters mo, kanya-kanyang designs at gastos ng pagpagawa ng tarps, accessories at shineshare ang mga ito, nang libre. Kanya-kanyang pa print ng tshirts. Kanya-kanyang organisa ng mga pagtitipon at pangangampanya sa social media at face to face, hindi dahil trabaho nila o binayaran sila, pero dahil ito ang pakiramdam nilang tama. Kanya-kanya pero pinamamahagi, hindi pinagdaramot. Ang sarap. Kung hindi ako nagkakamali, this is a first in the world. There is nothing like this, on a scale this massive, for a political candidate.
Pag nanalo ka, napabulaanan mo ang mga sinaunang paniniwala na kailangan mo ng pera, makinarya at magmula sa isang prominenteng pamilya para tumakbo - at manalo.
Nung nabasa ko sa post ng isang kaibigan nung rally sa Pasig yung sarap ng pakiramdam nyang hindi sya ma tsa-tsansingan, mananakawan, mababastos at naabutan pa ng isang pink pandesal, lalung tumatak sa loob ko na, bilang ikaw ang pinuno, may pagasa pa ang Pilipinas.
Maraming salamat sa pagbigay ng pagasa.
Maligayang, maligayang kaaarawan.
#IpanaloNa10Ito
#GobyernongTapatAngatBuhay
#KulayRosasAngBukas
#LeniKiko
Comments